Bilang pagkilala sa mahusay na pamamalakad ng lokal na pamahalaan, tinanggap ng Bayan ng San Simon ang prestihiyosong Seal of Child-Friendly Local Governance para sa taon 2023 mula sa Rehiyon III. Ang parangal ay ibinigay sa mga lokal na pamahalaan na nagsusulong ng mga programa at hakbang na nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan. Sa pamumuno ni Mayor Jun Punsalan II at sa pagtutulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinangunahan ni Ms. Everlita G. Baluyut, naipakita ng LGU San Simon ang kanilang dedikasyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga bata sa komunidad.

Ang natamong parangal ay isang patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan sa bayan. Sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa edukasyon, proteksyon, at serbisyong pangkalusugan, layunin ng LGU Sa nSimon na maging isang ligtas at child-friendly na lugar para sa mga kabataan. Luid ka, San Simon!