Sa inisyatibo ni Mayor Jun Punsalan II, dumating na ang bagong Garbage Truck na gagamitin para sa ating bayan. Isa itong makabuluhang hakbang upang mas epektibong makolekta at maproseso ang ating mga basura, na magdudulot ng masmalinis at maayos na kapaligiran para sa ating lahat.

Ang karagdagang sasakyang ito ay magsisilbing mahalagang kagamitan sa tamang pag-aayos ng basura. Patunay ito ng dedikasyon ng ating Mayor at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong makabuluhan para sa ating komunidad.
Tayo ay magsama-sama at magtulungan para sa isang mas malinis at mas maunlad na San Simon.