Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang Pangkalahatang Asemblea ng mga Kinatawan ng mga Bata sa Training Center, Government Center, Sto. Niño, San Simon, Pampanga noong Enero 24, 2025. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng bayan upang mapag-usapan ang mga isyung may kaugnayan sa kanilang karapatan at kapakanan.

Layunin ng asemblea na bigyan ng boses ang mga kabataan sa mga usaping may kinalaman sa kanilang mga pangangailangan at karapatan sa ilalim ng kanilang mga komunidad. Ang pagtitipon na ito ay nagbigay daan upang mapalago ang impormasyon tungkol sa mga programang pangkalusugan, edukasyon, at iba pang mga serbosyong nakalaan parasa mga kabataan.