Dinaluhan ni NLEX President at General Manager Luigi L. Bautista, kasama si Engr. Rey C. Punzalan, Project Manager, ang isang inspeksyon sa tatlong lanes ng 3rd Candaba Viaduct sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 20, 2024. Ang aktibidad ay sinamahan ni Mayor Jun Punsalan II at mga lokal na opisyal mula sa mga bayan ng Pampanga at Bulacan.

Ang 3rd Candaba Viaduct ay isang limang kilometro ang haba na proyekto na nag-uugnay sa mga
bayan ng Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga. Ang viaduct ay inaasahang magbibigay ng malaking ginhawa sa mga biyahero, lalo na tuwing mataas ang volume ng trapiko, gaya ng mga peak hours at
holiday seasons. Sa pamamagitan ng bagong viaduct, inaasahan ang mas mabilis at maginhawang
biyahe na magpapagaan sa karaniwang pagsisikip ng kalsada at makakatulong sa pagpapabuti ng kaligtasan ng mga motorista.
Mahalaga rin ang 3rd Candaba Viaduct sa pagpapabilis ng biyahe mula Bulacan patungong Pampanga at vice versa. Sa kasalukuyan, marami sa mga motorista ang dumadaan sa mga kalsadang madalas magka-traffic, kaya’t ang bagong viaduct ay magsisilbing pangunahing alternatibo upang mabilis na makatawid mula sa isang lalawigan patungo sa kabila. Ang proyekto ay magdadala ng mas pinadaling pag-access, at makikinabang dito hindi lamang ang mga residente, kundi pati na rin ang mga negosyo at mga motorista na dumadaan sa dalawang lalawigan.