Pormal nang binuksan ngayong araw (Disyembre 6, 2024) ang San Simon Community Infirmary sa pangunguna ni Mayor Jun Punzalan II bilang bagong tahanan ng San Simon Rural Health Unit (RHU) habang hinihintay ang paglabas ng mga kaukulang dokumento upang opisyal na maituring bilang isang Community Hospital. Matatagpuan ang pasilidad sa loob ng Local Government Center sa Brgy. Sto. Niño.

Ayon kay Mayor JP Punzalan, may kakayahan ang pasilidad na magbigay ng first aid para sa emergency cases, gamutan para sa minor illnesses, at serbisyo para sa
panganganak. Layunin ng proyektong ito na maghatid ng mas mabilis, epektibo, at
dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng Simonians.

Samantala, ipinangako ni Fourth District Anna York Bondoc na tutulungan ang San Simon Infirmary sa pagkuha ng mga kinakailangang medikal na kagamitan mula sa Department of Health (DOH).