Isang panibagong tagumpay ang nakamit ng bayan ng San Simon matapos itong opisyal na itaas sa kategoryang 1st Class Municipality batay sa Department Order No. 074-2024 ng Department of Finance (DOF). Ang bagong klasipikasyon ay magiging epektibo simula Enero 1, 2025.

Mula sa dating 3rd Class Municipality, ang pag-angat ng San Simon ay patunay ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at epektibong pamamahala sa bayan. Ipinahayag ni Mayor Jun Punsalan II ang kanyang labis na kasiyahan sa nakamit na tagumpay ng bayan at pinasalamatan ang lahat ng Simonians na naging bahagi ng tagumpay na ito.




