Isang malaking tagumpay ang muling nakamit ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Simon matapos nitong matanggap ang Gawad Kalasag Seal of Excellence sa ikalawang sunod na taon. Ang nasabing pagkilala ay may kategoryang FULLY COMPLIANT, isang patunay ng kahandaan at kakayahan ng MDRRMO San Simon sa pagtugon sa anumang sakuna na maaaring harapin ng ating komunidad.
Ang Gawad Kalasag Seal of Excellence ay iginagawad sa mga lokal na tanggapan na nagpamalas ng mataas na antas ng disaster preparedness, response, at risk reduction management. Ang pagkamit ng nasabing parangal sa loob ng dalawang magkasunod na taon ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng MDRRMO San Simon na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.