Pinarangalan ang LGU San Simon sa pangunguna ni Mayor Jun Punsalan II , bilang kauna-unahang LGU sa Lalawigan ng Pampanga na magpatupad ng “fully automated” business permit processing system. Ang parangal ay iginawad ng ANTI-RED TAPE AUTHORITY (ARTA) na dinaluhan ng mga pangunahing personalidad ng ARTA, DILG,DICT, BFP, Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, at DTI,

Ang LGU San Simon ang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Pampanga na nagpatupad ng “fully automated” business application and processing system. Ang San Simon at Guagua ang naging ika-69 at ika-70 na LGUs sa bansa na nakatugon sa eBOSS Compliance. Ang matagumpay na pagpapatupad ng eBOSS ay naging posible dahil sa dedikadong pamumuno ni Mayor Jun Punsalan II at sa husay ng LGU IT Department.
Ang eBOSS ay isang online portal na nagpapabilis at nagpapadali ng pagkuha ng business permits at clearances. Sa pamamagitan ng sistemang ito, matitiyak ang mas episyente at transparent na proseso, na malaking tulong para sa mga negosyante at mamamayan.


